Thursday, June 23, 2005

to cheat or not to cheat

My cab ride last night was supposed to be one of those usual 10-minute ride with slow love songs in the background especially played for people who are about to sleep. But the driver was listening to an AM station, a sort-of Joe d'Mango type where people can (anonymously) call and vent out their frustrations or share their love problems and hopefully get a sound advice.


I was quite pissed by what I heard. I was not able to start it and end it but the topic was pretty... disturbing. Here's what I can remember (in Filipino to make it more realistic).


Radio Announcer (RA): So alam nya na may asawa ka? May anak ka ba?

Caller (C): Alam nya po. Meron po. Dalawa po anak ko. Pero lagi nya po akong tinetext at lagi pong tumatawag sa akin. Nami-miss daw ako. Mahirap kasi malambing sya eh. Pero alam nyang may asawa na ako. Minsan tumatawag gusto makipagkita o ako pumunta sa bahay nya...

RA: May asawa ka na pala eh. Eh di committed ka na. Bakit ka pa nakikipagkita sa kanya? Wag mo nang tanggapin ang mga tawag nya. Wag ka nang makipagkita sa kanya. Pag tumawag sayo, sabihin mo ayaw mo na. Tigilan nyo na 'to habang maaga.

C: Malambing kasi sya eh. Tapos sabi nami-miss daw nya ako.

RA: May caller tayong babae kanina sabi nya ok lang daw sa kanya makipag-boyfriend nang may-asawa. Meron talagang mga babaeng ganyan. Ang tanong ay kung papatulan mo. Pag nabuntis yan, anong gagawin mo?

C: Hindi ko naman po pinaplanong mabuntis yun eh.

RA: Yun nga pero nakipagkita ka. Kinakausap mo. Pasasaan din at dun din papunta yan di ba? Mabubuntis din yan. Pag nabuntis yan, tatakbuhan mo yan. Syempre may asawa ka't mga anak eh! Alam mo, wala naman talagang problema eh. Ikaw ang gumagawa ng problema sa utak mo. Kati lang yan ng tiyan.

(Cab driver laughs so hard at this comment, while I wrinkle my forehead.)

C: Hindi po ba pwedeng... hindi po ba pwedeng ligaw-ligaw lang? Hehe...

RA: Bakit ba tayo nanliligaw? Ha? Bakit? Kasi gusto natin maging girlfriend. Eh pag naging girlfriend na? Ano na? Yun nga rin ang pupuntahan di ba? Mabubuntis ang babae.

C: Hehehe... Pero sya po kasi laging tumatawag. Malambing po sya. Di ko naman po maiiwasan...

RA: Maiiwasan mo kung gusto mo. Nasa utak mo yan lahat kung gusto mong gawin o hindi. Ikaw ang gagawa ng desisyon na yan. Wag mong isisi sa kanya. May mga babaeng ganyan pero ikaw ang may asawa at mga anak. May anak kang babae? Gusto mo ba mangyari sa anak mong babae yan? Gusto mo ba magkaron ng ibang lalaki ang asawa mo? Ha?

C: Pangit po yun. Ayoko po... Pangit po.

RA: Pero kung ikaw gumawa, ok lang. Pag yung asawa mo nanlalaki, pangit. Pero pag ikaw nambabae, ok lang? Ganun?

C: Hindi naman po sa ganun... Pangit po talaga...

RA: Alam mo naman pala na pangit. Alam mo, tinitingnan ko kung ano ang iniisip mo, kung ano laman ng utak mo. Kung psychologically o mentally retarded ka, kung retarded kang mag-isip, sasabihin mo, ok lang na ganun ang gagawin mo. Pero alam mo naman pala na mali ang ginagawa mo eh. Di ka ba naaawa sa babae? Pag nabuntis yan, tatakbuhan mo yan. May asawa ka eh. May mga anak. Anong mangyayari sa kanya?

C: Nakakaawa nga po eh...

RA: Isipin mo na lang, isa syang demonyo na pilit pinapalayo ka sa puso ng asawa mo at sa Diyos. Alam mong sa mata ng tao at sa mata ng Diyos mali ang ginagawa mo...

(and so on and so forth)



I was in front of the building of my office. I was a bit agitated by what I heard. With people like that, no wonder there are broken homes, no wonder there are juvenile delinquents, no wonder marriage is not as strong as it used to be. Single and married women... and married men too, should be wary.

2 comments:

loryces said...

anobayaaaaaaaaaaaaaan?!? sarap pag-untugin ha! kainis yung guy. gusto pumatol. asar din yung girl. alam na ngang may asawa. kung pwede lang pag-untugin, gagawin ko.

Unknown said...

hehe. kainis di ba? :)