Pagod
Tapos na ang exam. Mahirap pero sinubukan kong sagutin at tapusin. Pangalawa ako sa naunang natapos. Sabi nila dami ko daw alam. Sabi ko naman, para saan pa at magpapatagal ako. Eh nasagutan ko na lahat at wala na akong babaguhin pa. Kung mali, eh di mali. Wala na akong magagawa. Ugali ko kasi dati na magpatagal bago ipasa. Binabasa ko pa ulit mga sagot ko. Tapos may babaguhin ako. Malalaman ko lang na yung una ko palang mga sagot ang tama... na sana di ko na lang pinalitan. Sabi nila, kung ano daw yung unang sagot mo, malamang yun ang tamang sagot. Kaya di na ako nag-atubiling ipasa ang papel ko.
Nalaman ko rin na ipapadala pala sa US ang exams namin. Sila ang magco-correct. Buti pa yung papel ko, makakapunta ng US, ako hindi.
Papasok ako ng 1AM bukas (Sabado) para sa Friday shift ko, hanggang 10 AM ito. Ayoko ng time na 'to kasi masyadong late na. Nakakatakot pumunta ng opisina mag-isa. Pero since effective tomorrow lang naman ito, wish ko pa rin mas ok magiging schedule ko starting Monday next week.
Pagod na ang utak ko. Kaya siguro nagta-Tagalog ako ngayon. Ayoko na mag-isip kung tama ba ang grammar na ginagamit ko.
Sana lang pumasa ako.
No comments:
Post a Comment