Ang Buhay Single by mcg
(Another one of those interesting articles...)
Bakit ba tuwing may "get2geder" ang mga tao, mapa-family reunion man or simpleng barkada gimik, ang unang tanong sayo ay "May boyfriend ka ba?" at bago ka pa maka-sagot ay maririnig mo naman ang "Bakett walaaaaaa??!" Hayyy, kelangan ba talagang may bitbit kang boylet sa mga occasions na ito? Pano kung wala talaga? Alanganamang maki-usap pa ako sa mga "close" guy friends ko para mag-panggap na "kami"?! Di naman ata tama yun, dee-bah? How I wish na sana mas maintindihan ng mga tao na sa mga panahon ngayon ay "accepted" na sa society na MEDYO made-delay ang pag-iisang dibdib ng mga kababaihan... especially girls like me who want to get into so many things all at the same time.
I also wish that people would understand that OKAY LANG AKO and the rest of THE SAMAHANG MALAMIG ANG PASKO... Valentines day... Birthday..etc. I mean, we do get lonely once in a while... naiingit din dun sa may mga LOVELIFE... paminsan-minsan. Kung minsan naman ay nagmumuni sa mga past kilig moments... but these lonely moments do not and will not make our "world" stop... Isipin nyo nalang, na kung wala kaming mga single friends nyo, eh di wala kayong paghihingaan ng sama ng loob tuwing nag-aaway kayo ng boylet or girlet nyo? Wala rin kayong "instant date" kung sakaling nangailangan kayo? wala rin kayong mahihila sa mall para maghanap ng magandang regalo for your better-half pag xmas... o kaya pag bday nya? At ang pinaka-mahalaga sa lahat, wala kayong KAKAMPI if things between you and your labidabs don't work out.
Marami naman sa aming mga singles ay nakaranas na rin na "ma-in-love"... yun nga lang, obvious ba?????????? It all didn't work out! Pero di naman kami "bitter" o galit sa mundo? Ang totoo nga nyan eh mas lumalalim ang kahulugan ng "love" para sa min. When you're all by yourself, there's more time to reflect and think what you really want it life. Mas naiisip mo kung ano ba talaga ang makakapagbigay ng tunay na ligaya sayo... at mas naiisip mo kung pano matutupad ang lahat ng mga pangarap mo. And while reflecting, we also get to imagine that we will, one day... end up with someone who will share those dreams with us. Di naman sa nang-iinggit ako pero masaya rin ang buhay naming mga single... Biruin mo we can go out with anybody, anytime..that is. We can get into all kinds of things... like go to the gym regularly... or get into all kinds of sports... or any "Self-enhancement" programs, etc... Medyo tipid din ang buhay single kasi la naman kaming po-problemahin tuwing Valentines day or Christmas? o diba ang saya? Sa palagay ko naman ay lahat tayo ay may karapatang sumaya ke single man o attached ka. I guess may kanya-kanya lang tayong panahong lumigaya at Diyos lamang ang makapagsasabi kung kelan nga dadating ang oras na yon..
So, para sa mga kasalukuyang "ATTACHED", I wish you all the luck and happiness. Should there be any problems, don't forget that your SINGLE friends are always here for you!!!!!
Sa mga "bagong SINGLES" naman, wag nang magmukmok! Enjoy life.... enjoy the single life!!! There are a lot of things that you will still discover. At tandaan mo, DI KA NAG-IISA!!! madami-dami tayo...hehehehe!
At dun naman sa kapwa kong mga SINGLES? I hope that we are one in believing that we long for someone NOT BECAUSE WE WANT TO BE HAPPY but we long for someone because we want to share our happiness with that special person for the rest of our lives....
Glory lies in the attempt to reach one's goal and not in reaching it.
~Mahatma Gandhi
No comments:
Post a Comment